Loading the player...


INFO:
Mga Kapwa ko Pilipino, please vote wisely! Nakasalalay sa bawat boto mo yung future ng magulang at mga kapatid mo, mga naging bahagi ng buhay mo o kahit yung buhay ng magiging pamilya mo. Buong bansa ang apektado kung da-dagdag ka pa sa bilang ng taong may maling desisyon sa pagpili ng kandidato sa araw ng eleksyon. Huwag na natin hintayin yung “pagsisisi o regrets” bago pa tayo MATAUHAN. GUMISING KA! MAG-ISIP KA! Hindi na basehan dito kung sino ang nakakatanda o yung mas may maraming karanasan sa buhay para sundin sa pagboto - hindi ka pwede magsunod-sunuran ka lang, “KINABUKASAN” ang pinag-uusapan natin dito! Yung kaunting halaga na matatanggap nyo sa mga maling pulitikong sinusuportahan nyo, mga i-ilang piraso ng groceries na binibigay sa inyo, o kahit yang mga pangakong binabanggit sa inyo, LAHAT yan MAUUBOS at MAGLALAHO! PANANDALIANG GINHAWA lang ang maidudulot nyan sa buhay nyo, pero kung pipiliin nyo ang tamang kandidato na gagampanan ang responsibilidad nya bilang “PUBLIC SERVANT”, lahat ng miyembro ng pamilya mo MAKIKINABANG, buong bansa ang makakaranas ng ginhawa sa buhay. HUWAG TAYONG MAKUNTENTO SA BARE MINIMUM PUBLIC SERVICES na natatanggap natin sa gobyerno! Yung TAX mo sa binibili at binabayaran mo, at lahat ng DEDUCTIONS na nakikita mo sa sweldo mo, lahat ng tulong na natatanggap mo sa pulitiko ay “GALING DIN SAYO”. Huwag nyo gawing BIG DEAL na tumutulong sila sa abot ng makakaya nila, TUNGKULIN nila yan! TRABAHO nila yan! at lahat ng tinutulong nila, sa INYO din yan nagmula. Wala ka dapat utang na loob sa mga pulitiko. KARAPATAN ANG PAGBOTO, gamitin mo sa tama! Huwag kang bumuto base sa pansarli mong pangangailangan lang, isipin mo din kapakanan at buhay ng tao sa paligid mo. GUMISING ka sa KATOTOHANAN na kapag MALI ang kandidatong PINILI mo, lahat ng nasa paligid mo MADADAMAY; bumoto ka hindi lang para sa iyo, para din sa kapwa mo dahil hindi lang ikaw ang nangangailangan! Pag-isipan ang pagpili, bumoto ng may puso! MY TOP 12 SENATORIAL CANDIDATES TO VOTE: (5) Bam Aquino | Edukasyon, Trabaho, Kabataan (6) Ronnel Arambulo | Mangingisda, Kalikasan (8) Roberto Ballon | Kalikasan, Kabuhayan, Katarungan (13) Arlene Brosas | Kababaihan, Kabataan, LGBTQ++ (16) Teddy Casino | Karapatang Pantao (20) Angelo de Alban | People with Special Needs, PWDs (free therapy services) (25) Luke Espiritu | Presyo, Sweldo, Serbisyo, Trabaho (43) Sonny Matula | Karapatan ng Mangagawa (44) Liza Maza | Kababaihan, OFWs (45) Heidi Mendoza | Laban Korapsyon (51) Kiko Pangilinan | Agrikultura, Manggagawa (54) Danilo Ramos | Magsasaka, Reporma sa Lupa PARTYLIST (51) Akbayan Partylist | Human Rights, Democratic Reforms - Chel Diokno